Tuesday, March 13, 2012

ITS A SORRY

"Will it be YES? Or will it be..SORRY"
-I Don't Want to Wait by Paula Cole


 Umasa ako na sa Feb. 14 babatiin nya ko pero wala akong nareceive kahit text o tawag man lang.

Sad to say, hindi sya nagwork. I tried to talk to him, pero hindi nya ako pinuntahan.

to be continued...

Monday, March 12, 2012

I just miss the old days, the old you, the old us.



minsan, sinasabi ko sa sarili ko, sana hindi ka nalang nag-kadete. Ok na nga ung dating ikaw eh
  • Sweet 
  • Thoughtful 
  • Caring 
  • Joker 
  • Pala-ngiti
  • Laging may time para magtext/tumawag
  • Yung pag sobrang lungkot ko,i-chcheer up mo ko
  • Kung maka-libre, wagas

Pero ngayon..unti unti ,nagbabago ka na. BAKEEEET! Ang iniisip ko nalang, baka walang time o busy ka lang sa loob . Pero bakit naman ung iba, effort kung effort. NAKAKAINGGIT kaya! Valentines day wala man lang akong natanggap na text or tawag from you.. kaya aun, NGANGA!

Sa totoo lang, mahirap magmove-on, kumbaga sa kanta , “Cause you’re everywhere to me..and when i close my eyes, its you i see” yung lahat ng ka-emohang kanta, nakakarelate ka, yung maiinggit ka sa mga mag-jowa sa paligid… ang hirap nun promise at ang pinakamasakit sa lahat, nasaktan ka na nga, masasaktan ka pa ulit..

Well, hindi pa nmn confirmed..maxado lang akong advance kung magisip. Ang dami dami na kasing sign. Sign na tama na..tigilan na kita.. Feeling ko tuloy, para akong si KC Conception kung mag-emote at depress na depress kay Piolo Pascual na kulang nalang, magpagupit ako ng buhok at magpa-interview kay Boy Abunda.

Ang sakit sakit na kasi..SOBRA! ang hirap lang itago tong nararamdaman ko..nakakabaliw. Kaya dito ko nalang nilagay. Mas ok. mas private.. walang magaalala, walang magsasabi ng “kawawa” “ok lang yan” “hahaha! buti nga!”

Kung hindi man kami ang para sa isa’t isa .. naku! patay na! “Namumugtong mata” nanaman ang drama ko..at promise, mamimiss kita. At kung tayo man, ai tarayyy ililibre ko ang tropa mo

ang hinaing ni Ijin…bow

Coco Martir, Karmi Martir, Ricky Martir, Martir Nievera

I'm just a girl whose dreaming to find my true love, my soul mate. Yun bang mala-fairytale ang ending. 19 years na ko single.. hindi na maganda to.. Akala ko "HE"S THE ONE" Pero bakit ganito ako ngayon?? *NGANGA*

nagmahal
naghintay
umasa

yan lang naman mga pinag-gagawa ko..


And the worst, wala man lang paramdam o sabi sabi na "It's over" "Ayoko na" "Hindi na kita mahal"

Sometimes, I ask God why..
hindi ko naman dapat nararanasa itong mga kalokohang to dahil mabait naman akong nilalang

Nangako naman kasi nya..ako naman si tanga na naniwala.. ba yan!

Kaya ko naman maghintay ..3 years? sus!pero ikaw ang bumitaw.. ikaw ang sumuko